Attachment 13 Receptionist Recruitment Script at clinic Tagalog_psg

Attachment 13 Receptionist Recruitment Script at clinic Tagalog_psg.docx

Health Center Patient Survey (HCPS_

Attachment 13 Receptionist Recruitment Script at clinic Tagalog_psg

OMB: 0915-0368

Document [docx]
Download: docx | pdf

OMB Number (0915-0368)
Expiration date (X/XX/XXXX)

Survey sa Pasyente ng Health Center

Script ng Receptionist para sa Pagre-recruit ng Tagatugon


Script para sa Pagre-recruit ng Tagatugon – Nasa Hustong Gulang na Tagatugon


Inimbitahan kang sumali sa isang panayam bilang bahagi ng pagsisikap sa isang mahalagang pananaliksik na isinasagawa ng RTI International at itinataguyod ng Health Resources and Services Administration. Itinatanong sa panayam ang tungkol sa iyong mga karanasan sa pangangalagang pangkalusugan at ilan pang ibang paksa.

Kung karapat-dapat kang tapusin ang survey, makakatanggap ka ng $25 na cash o isang regalo na may katumbas na halaga bilang pasasalamat sa iyong pagsali. Narito ang isang polyeto o brochure na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-aaral.

Kung interesado kang sumali, o may anumang tanong, pakibasa ang polyeto at makipag-usap sa kinatawan ng RTI na nasa _______________________. Kung hindi available ang kinatawan ng RTI sa lugar na iyon at gusto mong makaalam ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral, makakapagtakda ako ng isang appointment para sa iyo para makipag-usap sa kanya.

Umaasa kami na sana ay sumali ka. Salamat!


Script para sa Pagre-recruit ng Tagatugon – Tagatugong Kabataan

Inimbitahan ang iyong anak na sumali sa isang panayam bilang bahagi ng pagsisikap sa isang mahalagang pananaliksik na isinasagawa ng RTI International at itinataguyod ng Health Resources and Services Administration. Itinatanong sa panayam ang tungkol sa iyong mga karanasan sa pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak at ilan pang ibang paksa. Mayroon ding mga tanong na gusto naming itanong sa iyo tulad ng coverage sa insurance na pampamilya at ilan pang ibang paksa.

Kung karapat-dapat ang iyong anak na tapusin ang survey, makakatanggap siya ng $25 na cash o isang regalo na may katumbas na halaga bilang pasasalamat sa kanyang pagsali. Narito ang isang polyeto o brochure na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-aaral.

Kung interesado kang payagan ang iyong anak na sumali, at handa ang iyong anak, o may anumang tanong ka, pakibasa ang polyeto at makipag-usap sa kinatawan ng RTI na nasa _______________________.

Kung hindi available ang kinatawan ng RTI sa lugar na iyon at gusto mong makaalam ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral, makakapagtakda ako ng isang appointment para sa iyo para makipag-usap sa kanya.

Umaasa kami na sana ay sumali ka. Salamat!


Script sa Pag-recruit ng Tagatugon – Kinatawan ng Tagatugon

Inimbitahan kang sumali sa isang panayam bilang bahagi ng pagsisikap sa isang mahalagang pananaliksik na isinasagawa ng RTI International at itinataguyod ng Health Resources and Services Administration. Ang focus na panayam ay tungkol sa iyong anak. Hihingin na sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kaniya. Itatanong sa panayam ang tungkol sa iyong mga karanasan sa pangangalagang pangkalusugan at ilan pang ibang paksa na may kaugnayan sa iyong anak.

Kung karapat-dapat ang iyong anak, tatapusin mo ang survey sa ngalan niya at makakatanggap ka ng $25 na cash o isang regalo na may katumbas na halaga bilang pasasalamat sa iyong pagsali. Narito ang isang polyeto o brochure na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-aaral.

Kung interesado kang sumali, o may anumang tanong, pakibasa ang polyeto at makipag-usap sa kinatawan ng RTI na nasa _______________________. Kung hindi available ang kinatawan ng RTI sa lugar na iyon at gusto mong makaalam ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral, makakapagtakda ako ng isang appointment para sa iyo para makipag-usap sa kanya.

Umaasa kami na sana ay sumali ka. Salamat!

File Typeapplication/vnd.openxmlformats-officedocument.wordprocessingml.document
Authorderecho
File Modified0000-00-00
File Created2021-01-12

© 2024 OMB.report | Privacy Policy