Num.
ng
Kontrol
ng
OMB
0938-0702
Petsa
ng
Pagkapaso:
XX/XX/XXXX
Modelong Paunawa sa Mga Nakatala sa Sariling-Pinondohang Hindi-Pederal na Pamahalaang Planong Pangkalusugan Para sa Mga Taon ng Planong Nagsisimula Sa o Makalipas ang Setyembre 23, 2010
[Ang paunawang ito ay angkop sa kaso ng planong magkakasamang pinagkasunduan na niratipika sa o makalipas ang Marso 23, 2010.]
Ang mga planong pangkalusugan ng grupo na itinataguyod ng mga tagapag-empleyo ng Estado at lokal na pamahalaan ay dapat na karaniwang sumunod sa mga kinakailangan ng batas ng Pederal sa pamagat XXVII ng Batas sa Serbisyong Pampublikong Kalusugan. Subalit, ang mga tagapag-empleyo na ito ay pinahihintulutan na piliin na i-exempt ang isang plano mula sa mga kinakailangan na nakalista sa ibaba para sa anumang bahagi ng plano na "pinopondohan ng sarili" ng employer, sa halip na ibigay sa pamamagitan ng isang patakaran sa segurong pangkalusugan. Pinili ng (pangalan ng sponsor ng plano) i-exempt (pangalan ng plano) mula sa (lahat) (o tukuyin kung alin) sa mga sumusunod na kinakailangan:
Proteksiyon laban sa paglimita sa mga pananatili sa ospital kaugnay ng panganganak ng bata sa mas maikli sa 48 oras mula sa panganganak sa pamamagitan ng ari, at 96 na oras para sa cesarean section.
Ilang mga pangangailangan para magbigay ng mga benepisyo para sa rekonstruksiyon ng suso makalipas ang mastectomy.
Patuloy na pagsasaklaw para sa hanggang isang taon para sa umaasang anak na nasasaklawan bilang umaasa sa ilalim ng plano tanging batay sa katayuan ng estudyante, na kumukuha ng medikal na kailangang leave of absence mula sa isang postsecondary na pang- edukasyong institusyon.
Ang eksemsiyon mula sa mga Pederal na inaatas na ito ay ipatutupad para sa (taon ng plano) (panahon ng pagsasaklaw ng plano) simula sa (tukuyin ang petsa) at magtatapos sa (tukuyin ang petsa). Ang pagpili ay maaaring i-renew para sa mga kasunod na taon ng plano.
[Kung nagbibigay ang Plano ng mga proteksiyong katulad ng alinman sa mga naka- excemp na inaatas, alinman sa boluntaryo o ayon sa batas ng Estado, ang mga proteksiyong ito ay maaaring tukuyin.]
Pagsisiwalat na Pahayag ng PRA
Ayon sa Batas sa Pagbabawas ng Papeles ng 1995, walang tao ang kinakailangang tumugon sa isang pagkolekta ng impormasyon maliban kung ito ay nagpapakita ng wastong numero ng kontrol ng OMB. Ang wastong numero ng kontrol ng OMB para sa pagkolekta ng impormasyong ito ay 0938-0702. Ang pagkolekta ng impormasyong ito ay nauugnay sa pangangailangan para sa mga employer ng pamahalaan na hindi-Pederal na pinondohan ng sarili na ine-exempt ang kanilang mga planong pangkalusugan na pinondohan ng sarili mula sa inaatas sa pamagat XXVII ng Serbisyong Pampublikong Kalusugan (PHS) Act na abisuhan ang mga nakatala sa plano (taon-taon at sa pagpapatala) tungkol sa katotohanan at kahihinatnan ng naturang eksemsiyon. Ang oras na kinakailangan upang makumpleto ang pagkolekta ng impormasyon na ito ay tinatantya sa average na 15 minuto bawat tugon, kabilang ang oras upang suriin ang mga tagubilin, maghanap ng mga kasalukuyang mapagkukunan ng data, mangalap ng data na kailangan, at kumpletuhin at suriin ang koleksyon ng impormasyon. Ang koleksyon ng impormasyon na ito ay kinakailangan upang makakuha o mapanatili ang mga benepisyo (45 CFR 146.180). Isa itong notipikasyon ng ikatlong partido, at ang isyu ng pagiging kumpidensyal sa pagitan ng mga ikatlong partido ay wala sa saklaw para sa koleksyon. Kung mayroon kang mga komento tungkol sa katumpakan ng (mga) pagtatantya ng oras o mga mungkahi para sa pagpapabuti ng paunawa ng modelong ito, mangyaring sumulat sa: CMS, 7500 Security Boulevard, Attn: Information Collections Clearance Officer, Mail Stop C4-26-05, Baltimore, Maryland 21244-1850 o [email protected]
File Type | application/vnd.openxmlformats-officedocument.wordprocessingml.document |
File Title | Modelong Paunawa sa Mga Nakatala sa Sariling-Pinondohang Hindi-Pederal na Pamahalaang Planong Pangkalusugan |
File Modified | 0000-00-00 |
File Created | 2024-11-07 |